Investiture ng mga #CentralYan Scouts, isinagawa
mga larawang kuha nina Hillary Tiama, Mary Claris Camacho, at Asima Acmad
mga larawang kuha nina Hillary Tiama, Mary Claris Camacho, at Asima Acmad
Matagumpay na isinagawa ang Scout Investiture Ceremony para sa mga Kab, Junior at Senior Scouts ng Calauag College Inc. sa Jose E. Fernandez Memorial Stage, CCC Mt. SIte, Hulyo 12.
Dinaluhan ang seremonya ng mga guro, sponsors, at mga scouts na nagnanais makibahagi sa kilusang nagtataguyod ng disiplina, kabutihang-asal, at paglilingkod. Sa pamamagitan ng investiture, pormal na kinilala ang mga batang Scout bilang ganap na miyembro ng samahan.
Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin, na sinundan ng Entrance of Colors, bilang pagpapakita ng respeto at pagmamahal sa bansa. Layunin ng seremonyang ito na pagtibayin ang kanilang panata sa pagiging tapat, mapagkakatiwalaan, at responsableng mamamayan. Isa itong mahalagang hakbang tungo sa paglinang ng mga susunod na lider ng bayan.
Ang matagumpay na pagdaraos ng nasabing aktibidad ay patunay ng patuloy na suporta ng paaralan at komunidad sa paghubog ng mga kabataang may malasakit at dedikasyon sa serbisyo.
-Reuel Josh Anda,
mga larawang kuha nina Hillary Tiama, Mary Claris Camacho, at Asima Acmad